Background:
Ganda got married last 2005, and has given birth to a very healthy baby boy last 2006.
Singkit got married early 2007, but is not yet pregnant as of press time.
Tisay got pregnant this 2007 and got married after getting knocked up.
Sexy is getting married this 2007, looks pregnant, but she isn't.
Tisay: Oy mga mare, kinakabahan ata akong manganak... Uy, ganda, nakakatakot bang manganak? Matagal ka ba naglabor?
Ganda: Oo, ang tagal kong nag-labor, biruin mo from Saturday madaling araw, I was experiencing labor pains, until manganak ako ng Monday lunchtime! Kaloka talaga...
Sexy: Uy, yung kapatid ko nagpahid ng oil ng sawa sa tyan bago sya manganak, as in sandali lang syang naglabor tsaka mabilis lumabas baby nya.
Singkit: Ano daw yun??? Oil ng sawa??? Wahaha, ano nnmang kwentong bayan yan???
Ganda: Wahahahaha!!!! Oil ng sawa??? Ano yun, mantikang pinagprituhan ng sawa?
Tisay: (serious pa din) Oy, ndi nga sexy, ano yun? San galing yun? Effective ba yun?
Sexy: Oy mga walangya kayo sige lokohin nyo ko, totoo kaya yun no! Ewan ko ba san nakuha ni mommy yun, basta ginamit yun nung 2 kong kapatid and effective naman sya.
Singkit: Hahaha!!! (can't stop laughing) Sang bundok ba nakukuha yan ha sexy? Sa pink na ahas?
Ganda: Korek! Sa pink na ahas na makikita sa bundok mekekekwek... Hahaha!!! (still can't stop laughing)
Singkit: ... Sa pink na sawa na galing sa bundok mekekkekwek na pag-aari ni madame auring!!! hahaha!!!
Tisay: Oy mga walangya kayo pinagtitinginan na ko dito ng mga ka-office mate ko napagkakamalan na kong baliw.
Sexy: Mga walangya kayo hindi ko kayo tutulungan maghanap ng oil ng sawa! Lalo ka na singkit! Hmp!
Singkit: Eh bakit ako hihingi nun? Eh di nagalit si madame auring? Ipiprito ko yung pink nyang sawa para lang makakuha ako ng oil!
Ganda: Gulo nyo! Usapang ahas ba to o panganganak???
Singkit: Ay naku ewan! Magtrabaho na nga ulit tayo baka mahuli pa ko sa inyo!
Ganda: Sige na alas-singko, uuwi na ko. Umuwi ka na tisay at mag-umpisa ka nang humanap ng sawa!
Singkit & Tisay: Hehehe...
Sexy: Mga bwiset kayo! Sige babush!!!
The end.
Walang kwenta sabi sa yo eh.
No comments:
Post a Comment